Natural Na Paraan Para Mawala Ang Kuto

Mayroong natural na paraan para mabawasan at tuluyang mawala ang kuto at lisa sa ulo ng bata gaya ng mga natural na sangkap na makikita sa ating mga kusina. Halimbawa na dito ay ang kombinasyon ng suka, coconut oil, at calamansi na napatunayang epektibo sa pagpuksa ng kuto sa ulo ayon sa isang pag aaral.

Basahin sa ibaba ang tamang paggamit ng mga naturang sangkap.

paraan para mawala ang kuto


Paalaala

Ang paggamit ng naturang natural na sangkap ay sinubukan lamang sa mga batang mula 3-14 na taong gulang, kaya huwag po itong subukan sa mga batang 2 pababa.

Gayunpaman, kahit sa mga batang 3-pataas, kailangan pa rin suriin muna sila para malaman kung wala silang allergic reaksyon sa kombinasyon ng suka, coconut oil at calamansi bago ipahid ang mixture na ito sa kanilang anit at buhok. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang skin test o pagsusuri sa balat.

Hakbang sa Pagsusuri sa Balat ng Bata

Gumamit ng kaunting amount ng pinaghalong coconut oil, kalamansi at suka at ipahid ito sa maliit na bahagi ng balat ng bata, gaya sa sulok ng siko o sa maliit na bahagi ng leeg. Maghintay ng 24-48 oras upang makita kung mayroong negatibong reaksyon.

Kung walang negatibong reaksyon, maaari mo nang ipahid ang organic na sangkap sa anit at buhok (basahin sa ibaba ang tamang paglagay ng natural na sangkap sa ulo ng bata)

Bantayan ang bata para sa mga palatandaan ng allergic reaction kapag gumagamit ng home remedies para sa kuto o head louse.

Paalaala

Huwag pong gamitin ito sa mga sanggol. Ito ay pwedeng gamitin lamang ng mga batang 3 pataas.

For external use only. Ilayo po ito sa mga bata pagkatapos gamitin at baka masubo po nila yung content ng shampoo.



Mga Sintomas Na Dapat Bantayan Kapag Gumamit Ng Natural na Paraan Para Mawala Ang Kuto

Sa mga batang may sensitibong balat, maaring magkaroon sila ng negatibong reaksyon at pwedeng mauwi sa mga sumusunod na sintomas.

Pamamantal
Hirap sa paghinga
Pamamaga ng mukha
Pamamaga ng Labì
Pamamaga ng Dila
Lalamunan, atbp.

Paalala

Kumuha ng agarang medikal na tulong kung makaranas ang bata ng anumang nabanggit na mga sintomas pagkatapos ipahid ang kombinasyon ng suka, coconut oil at calamansi sa buhok ng bata.

Kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa pagsubok ng natural na sangkap sa mga bata, humingi ng payo mula sa isang doktor, gaya ng isang pediatrician o allergist.


Natural Na Paraan Para Mawala Ang Kuto

Mga hakbang sa pagpahid ng natural na sangkap sa ulo upang mawala ang kuto sa ulo.

Kung wala namang allergic reaction, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pagsamahin ang isang kutsarang coconut oil, kalahating kutsara ng calamansi at suka. Sa umpisa maaring 1/4 na kutsarita lamang ng calamansi at suka dahil ang sobrang paggamit nito ay mahapdi sa anit lalo na sa mga batang may sensitibong balat.

2. Ilagay ang natural na sangkap sa buhok ng bata

3. Dahan-dahang suklayin ang buhok ng bata gamit ang malapad na suklay
para mapamahagi ng pantay ang sangkap sa buhok.

4. Takpan ang buhok ng bata gamit ang shower cap o tuwalya at hayaan ito sa ulo ng bata nang ilang minuto. Kailangan tingnan ang anit at ulo palagi para makita kung me mga pamamantal o pamumula ng balat.

5. Kung walang pamamantal, iwan ng 15 minutes ang natural na sangkap at pagkatapos ay sabunin at banlawan ng maligamgam na tubig ang anit at buhok para masigurong matanggal lahat ang mga natural na sangkap na inilagay.


Photo credit: notethanun on Unsplash

6. Pagkatapos, habang basa pa ang buhok, suklayin gamit ang fine-toothed comb o lice brush ang buhok para matanggal ang kuto at mga itlog nito. Gawin ito nang dalawang beses kada linggo hanggang mawala ang mga kuto sa ulo.

Paano Malalaman Kung May Kuto Sa Ulo?

Mga Karaniwang Sintomas ng Kuto sa Ulo:

Ang pangangati sa ulo at pagkamot ng anit

Ito ay isa sa pinaka karaniwang sintomas ng pagkakaroon ng kuto sa ulo. Ang pakiramdam na pangangati ay sanhi ng allergic na reaksyon sa laway na inilabas ng kuto sa apektadong bahagi ng anit.

Pagkakaroon ng nits o lisa sa anit o buhok

Pakiramdam ng kiliti o pag-akyat sa anit at leeg

Kapag umakyat ang mga kuto maaaring maramdaman ng mga bata ang kiliti o pag-akyat sa kanilang mga anit at batok.

Pulang bukol

Ang anit at leeg ay maaaring magkaroon ng pulang bukol o sugat matapos kagatin ng mga uod. Ang mga bukol o sugat na ito ay maaaring sobrang pangangati, na nagiging sanhi ng mas matinding pagkairita at hirap para sa bata na apektado.

Pamamaga ng lymph nodes

Minsan, ang mga lisa or kuto sa ulo ay maaaring maging sanhi ng namamagang lymph nodes sa leeg. Upang maiwasan ito, mahalaga na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat upang bawasan ang panganib ng infestasyon ng kuto sa ulo.

Pagiging iritable

Maaaring maging iritable ang iyong anak at masira ang kanilang pagtulog dahil sa mga uod sa ulo. Upang mabuhay, ang mga parasitong ito ay kumukuha ng dugo mula sa anit, at bilang bunga nito, iniwan nila ang kanilang laway.

Mga residyuong tulad nito ang maaaring mag-trigger ng mga allergy sa mga bata, na nagiging sanhi ng malalang pangangati at patuloy na pagkamot.

Paalala: Maging sensitibo sa mga taong apektado ng kuto upang hindi sila masaktan ng masasakit na salita na magpapadama sa kanila ng kawalan ng kumpiyansa dahil sa pagkakaroon ng kuto.

Ipaliwanag kung bakit kailangan linisin at disinfect ang kanilang mga kagamitan at ipaliwanang na ito ay para narin sa kanilang kabutihan at ng buong pamilya.

Ang Hindi Mahimbing na Pagtulog sa Gabi

Dahil sa madalas na pangangati ng ulo dahil a kuto, naapektuhan ang pagtulog ng mga bata sa gabi. Ang mga kuto ay lalong aktibo sa gabi ayon sa CDC.gov

Mga Hakbang Upang Maiwasan Ang Pagkalat Ng Kuto Sa Buong Pamilya:

Iwasan ang pagdikit ng ulo sa ulo

Sa tuwing naglalaro o may aktibidad ang mga bata, ituro sa kanila na iwasan ang pagdikit ng ulo sa ulo sa kanilang mga kalaro. Maging sa bahay man, paaralan, o kahit saan pa, importante na mag-ingat upang hindi mahawa ng kuto.

natural na paraan para mawala ang kuto


Photo credit: Denafi Sy on Pexel

Linisin ang mga lugar na nagkaroon ng kontak sa taong may kuto

Sa loob ng 48 oras bago ang paggamot, linisin ang lahat ng mga bagay na may kontak sa ulo ng taong may kuto. Labhan at patuyuin ang mga damit, kama, at ibang gamit gamit sa mainit na tubig (130°F).

Ang mga hindi malabhan ay maaring ilagay muna at isara sa plastic bag at itago sa isolated na lugar.

Bawal ang pagpapahiram ng gamit sa may taong may kuto

Huwag hayaang magbahagi ng mga gamit gaya ng mga sumusunod:

Tuwalya, sombrero, bandanas helmet, suklay, pang ipit, at headphones at iba pa.

Panatilihing malinis ang mga suklay at brush

Para sa mga taong may kuto, kailangan panatilihing malinis ang mga suklay at brush. Siguraduhing isasa-soak ito sa mainit na tubig (hindi bababa sa 130°F) ng 5 hanggang 10 minuto upang masiguro ng pagpuksa ng kuto.

Paalaala

Hindi lahat ng may kuto sa ulo ay mararanasan ang lahat ng mga sintomas na ito, at ang iba ay maaaring hindi makaramdam ng lahat ng sintomas kaya ugaliing suriin ang anit at buhok ng inyong anak.

Dapat tandaan na mahalaga ang maagang paggamot upang maiwasan ang pagdami ng mga kuto sa ulo at pagkalat nito sa ibang mga tao sa bahay.

Dapat masusing bantayan ang mga bata kapag tinatakpan ang kanilang buhok ng plastik. Maaaring hindi sinasadyang alisin ng bata ang plastik mula sa kanilang buhok at subukang ilagay ito sa kanilang mukha, na maaaring magdulot ng pagka-suffocate o di paghinga.

Ang mga likas na sangkap tulad ng suka, langis ng niyog, calamansi ay maaaring magdulot ng allergic reactions sa ilang mga tao, kabilang na ang mga bata.

Dahil dito, napakahalaga na sundin ang kinakailangang pag-iingat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng skin test bago gamitin ang halo ng calamansi-suka- langis ng niyog bilang natural na paraan para mawala ang kuto.


Sanggunian:

Matos, R. A. (n.d.). A randomized trial on the efficacy of Coconut Milk-Vinegar-Calamansi concoction versus 5% Permethrin for the treatment of Head Lice among pediatric age group of Purok Ilugin, Pinagbuhatan, Pasig City. https://www.herdin.ph/index.php/component/herdin/?view=research&cid=55299

K2forma. (2021, April 15). What parents need to know about head lice – updated for 2021 – Pests.org. Pests.org. https://www.pests.org/what-parents-need-to-know-about-head-lice/