Ang masamang epekto ng pagpupuyat sa mga bata ay hindi po dapat balewalain. Ang kakulangan ng tulog ay nagdudulot ng mga ibat-ibang uri ng sakit. Para maiwasan po ang masamang epekto nito sa kalusugan sa pangangatawan at maging sa kalusugang pang kaisipan ng mga bata, dapat po natin sundin ng mabuti ang mga gabay na makakatulong para sa mahimbing na pagtulog ng ating mga anak.
Bakit Hindi Makatulog Ang Bata Sa Gabi?
Ang makabago nating pamumuhay, pagkain na kulang sa sustansya, stress o pagkabalisa, hindi kumportabli ang kasuotan ( maaring basa o makati), me mga kagat sa balat o maaring gutom or nauuhaw, maingay na kapaligiran, maalinsangan o masyadong malamig, me kuto sa ulo or me mga sleeping disorders at iba pang mga kadahilanan ay may epekto sa kalidad ng tulog ng ating mga anak. Nagdudulot din ang mga ito ng hindi kanais-nais na pagbabago sa kanilang oras ng pagtulog.
Soft and Lightweight Blanket for kids
40% OFF Plus Free Shipping for Minimum Spend of 249.00: (with varied colors and designs) ₱221 Now 133 to ₱155

Say goodbye to itchy, rough-textured blankets that can disrupt their peaceful slumber – our blanket ensures a tranquil and comfortable sleep experience for kids.
Click the following to buy it on SHOPEE: Soft Fleece Blanket for kids
With free shipping for minimum spend of 249 pesos.
If you have inquiries or need any assistance regarding this product, please don’t hesitate to contact us at hello@acupofparenthood.com or chat with an agent at MY LIT-HOUSE via Shopee
Masamang Epekto Ng Puyat Sa Bata
- Problema sa asal at laging bugnutin
- Apektado ang pag aaral dahil naapektuhan ng puyat ang kakayahang mag isip ng bata
- Ang puyat ay maaring magdulot ng sakit o malubhang problema sa kalusugan
- Maaring magdulot ng depression o anxiety disorders
Isa sa aking mga natutunan upang makatulog ang aking mga anak ng maaga ay ang pag iwas na pagalitan sila sa gabi bago matulog. Ang mga bata ay lalong di makatulog kapag galit ang nanay o ang tatay, nagkakaroon sila ng pagkabagabag ng kalooban o anxiety kapag sila ay pinalo o pinagsisigawan para matulog.
Mas maigi na gumawa ng hakbang na makakapag palubag at makakapag relax sakanila upang sila ay kaagad makatulog.
Mga halimbawa o mga subok at epektibong mga gabay na pwede ninyong gawin ay ang mga sumusunod:
Mga Gabay Para Makatulog Ng Mahimbing sa Gabi
- Itakda ang isang regular na oras para sa pagtulog at paggising, kahit sa araw na walang pasok sa eskwela gaya ng Sabado at Linggo.
- Iwasan ang paggamit ng mga gadget o ang panonood ng tv 2 oras bago ang pagtulog dahil ang screen ay naglalabas ng blue lights na nakakaapekto sa tulog ng tao. Ang pagkakaroon ng kahit konting exposure sa blue light (ang puting ilaw ay may tinatawag na “blue lights”) ay maaaring magdulot ng di pagka antok at kakayahan para manatiling tulog.
- Maglaan ng mga aktibidad na nakaka relax tulad ng pagbabasa ng libro. Tiyakin na hindi nakakatakot ang kwento at sa halip ay nakakakalma ng isip.
- Tiyakin ang kanilang kwarto ay komportable para sa pagtulog – maayos na klima, madilim na ilaw, at tahimik.
- Ang pagbibilad sa araw sa umaga ay isa sa pinaka epektibong paraan sa mahimbing na pagtulog sa gabi. Ang pagkakaroon ng exposure sa araw sa unang oras ng umaga ay tumutulong sa circadian rhythm ng iyong anak na nakakapag pa gising sa kanila ng tama at regular na oras sa umaga at maagang pagtulog naman sa gabi.
Ayon sa pag aaral, ang pagkakaroon ng malusog na aktibidad sa araw, tulad ng ehersisyo o paglalaro sa play ground or sa hardin ay makakatulong upang maagang dalawin ng antok ang mga bata sa gabi.Huwag lamang masyadong pagurin din ang bata lalo na kung may sakit sa puso o iba pang mga karamdaman kung saan bawal ang sobrang pagkapagod.

- Kung kinakailangan, kumunsulta sa isang doktor o eksperto sa pagtulog para sa karagdagang tulong.
- Wag silang pakainin o painumin ng tsokolate sa gabi dahil mayroon din pong caffeine ang chocolates na nagdudulot ng di pagtulog na maaga at mahimbing.
- Iwasan din ang pagpapakain ng maasim na prutas ilang oras bago ang kanilang pagtulog dahil ito ay maaaring magdulot ng pangangasim ng tiyan sa gabi.
- Maaring pakainin sila ng mga pagkain na nakakapagbigay ginhawa sa tiyan at nakakapagpa relax ng isip gaya ng maligamgam na gatas, banana na may yogurt, oatmeal na may saging, o saging na may halong peanut butter. Iwasan ang mga pagkain na may matatapang na sangkap (sobrang asim, alat, maanghang at iba pa)
- Pagkain na sobrang taas sa asukal 2 oras bago ang pagtulog ay hindi po dapat ibigay sa mga bata dahil nagdudulot ito ng pagkakaroon ng energy o sobrang sigla ng bata na magiging dahilan para di sila dalawin ng antok sa gabi.
- Ang pagligo sa maligamgam na tubig sa gabi ay makakatulong para ma relax ang kanilang mga muscles na nagdudulot ng mahimbing na pagtulog.
- Bigyan sila ng komportable na kasuotan na pantulog gaya ng preskong pantulog na yari sa cotton. Ang pagsusuot ng kumportabling pantulog ay di lamang nagpapa ginhawa sa bata, ito rin ay nagpapahiwatig sa kanilang katawan na oras na para matulog.
- Huwag silang payagang magsuot ng kanilang pantulog o pajama sa araw habang naglalaro sila. Dapat nilang i-associate ang kanilang suot na pantulog sa pagtulog at wala nang iba.
- Maiging sabihan sila na umihi muna bago matulog para maiwasan ang pag gising sa gabi.
- Huwag kalimutan na sila ay magdasal bago matulog bilang parte ng kanilang ritwal sa pagtulog. Ang pagdarasal ay nakakapag bigay din ng kapayapaan sa isip.
- Yakapin sila ng maghigpit bago ang pagtulog dahil ang yakap ng magulang ay nakakapagbigay ng ginhawa sa pakiramdam ng mga bata na makakatulong sa mahimbing nilang pagtulog.

Ang kulay na pula na ilaw ay nakakatulong sa maagang pagkaantok ayon sa isang pag aaral
Mga Karagdagang Paalala Para Maiwasan Ang Epekto Ng Pagpupuyat Sa Bata
May ilang ebidensya na ang mga warm na kulay ay maaaring makatulong sa mabilis na pagtulog kaysa mga malamig na kulay. Kaya iwasan ang pagbubukas ng white light sa gabi.
Gumamit ng led lights na may kulay na amber (orange) 2 oras bago matulog ang mga bata.
- Panatilihing malamig ang silid
Ang labis o biglang pagbaba ng temperatura ay maaaring maka-abala sa pagtulog. Subukan itakda ang temperatura sa isang komportable na antas.
Ayon sa sleepfoundation.org, ang 65 degrees Fahrenheit o 18 degrees Celsius ay ang inirerekomendang temperatura.
Ngunit huwag ito sundan ng mahigpit. Alamin kung sa anong temperatura pinaka komportable ang inyong anak.
Kung wala pong aircon. Pwedeng maglagay ng maraming yelo sa harap ng bentilador para lumamig ang buga ng hangin sa kwarto. Maari ding magsabit ng malamig o basang tuwalya sa harap ng bentilador para lumamig ng konti ang silid. Huwag pong isasampay sa bentilador ang basang tuwalya dahil delikado po ito.
- Suriin ang iniinom na gamot ng bata
Me mga gamot nakakapag paantok sa mga bata sa araw na maaaring maging dahilan ng di pagtulog ng mahimbing sa gabi.
Kung ang iyong anak ay umiinom ng gamot na nagdudulot sa kanya ng labis na antok sa araw, pagka malamlam, tanungin ang iyong doktor para sa ibang paraan o alternatibo.
- Huwag pabayaan matulog ang bata malapit sa oras ng pagtulog sa gabi. Mga 1-2 pm ng hapon ay pwede pa silang matulog. Huwag hayaan na makatulog ng sobra sobra at baka di na makatulog ng gabi. Para naman sa mga bagong silang na sanggol meron po silang required hours ng pagtulog. Basahin ang sleep guidelines na ito para sa mga bagong silang at hanggang 2 taon na bata.
Kung sinunod mo ang lahat ng mga tips at ang iyong anak ay patuloy pa ring di makatulog ng maaga at mahimbing, maiging konsultahin ang iyong doktor upang suriin kung meron mga sintomas ng mga disorder sa pagtulog ang inyoing anak.

Soft and Lightweight Fleece Blanket for kids
₱221 Now 155
Say goodbye to itchy, rough-textured blankets that can disrupt their peaceful slumber – our blanket ensures a tranquil and comfortable sleep experience for kids.
Click the following to buy it on SHOPEE: Soft Fleece Blanket for kids
Plus free shipping for a minimum spend of ₱249
Halimbawa ng mga disorders sa pagtulog ng laging puyat na bata
- Restless leg syndrome
- Obstructive sleep apnea at pag-ungol
- Paglalakad habang natutulog
- Rhythmic movement disorders
- Night terrors
Ang Epekto Ng Pagpupuyat Sa Bata Ay Dapat Na Bigyan ng Karampatang Solusyon
Hindi natin dapat balewalain ang masamang epekto ng kakulangan sa tulog sa mental at pisikal na kalusugan ng ating mga anak. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng determinasyon na ipatupad ang mga gabay na nakasaad sa blog na ito, maaari nating matulungan na makamtan ang kinakailangang oras ng pagtulog araw-araw upang maiwasan ang masamang epekto ng puyat sa bata.
Sources:
Robinson, D. (2023, June 27). 10 tips to get your kids to sleep. Healthline. https://www.healthline.com/health/tips-get-your-kids-sleep#watch-for-sleep-disorders
Smith, M., MA. (2023). Childhood insomnia and sleep problems. HelpGuide.org. https://www.helpguide.org/articles/sleep/childhood-insomnia-and-sleep-problems.htm
Arky, B., PsyD, A. L., & Nash, W., MD. (2023). How to help kids who have trouble sleeping. Child Mind Institute. https://childmind.org/article/how-to-help-kids-sleep/